Tinig.com » Ederic Peñaflor Eder

Si Sir Monico Atienza at ang Kanyang mga Alaala ng First Quarter Storm
Bilang paghahanda sa isang story pitch tungkol sa anibersaryo ng First Quarter Storm (FQS) na ipapasa sa pinagtatrabahuhan kong himpilan ng telebisyon, noong Enero 2006 ay nagpadala ako ng email kay Prof. Monico M. Atienza, guro sa Unibersidad ng Pilipinas na kilalang aktibo sa kilusang kabataan noong kanyang kapanahunan.

Nasa email ko sa kanya ang mga tanong tungkol sa FQS kasama ang paghingi ng pahintulot na mailathala sa Tinig.com ang aming panayam. Pumayag naman siya at unti-unting sinagot ang mga tanong sa pagitan ng kanyang mga klase sa UP.

Ngunit kahit nakontak siya ng isang programa sa aming estasyon, lumipas na ang isa pang pag-aalala sa FQS ay hindi pa rin nailabas sa Tinig ang panayam.

Kasunod ng paglisan ni Prof. Atienza–na nangyari isang buwan bago ang muling paggunita sa FQS–minabuti namin sa Tinig.com na itampok ang ngayon ang wika nga niya’y kanyang “pag-alaala sa mga piraso at tagpuan sa kasaysayan ng Sigwa ng Unang Kwarto ng Dekada 70.”

Tinig.com: Ano po ang naging partisipasyon ninyo sa FQS? Anong organisasyon ang kinabilangan ninyo noon, at ano ang  pinakanaaalala ninyong tagpo sa panahon ng sigwa?

Prof. Monico M. Atienza: Kabilang ako sa Kabataang Makabayan (KM) nang mangyari ang First Quarter Storm, ang tinawag nga naming First Quarter Storm of 1970 (FQS 1970); tatawagin din namin itong Sigwa ng Unang Kwarto ng Dekada 70. Sa seryeng ito ng mga rali at demonstrasyon, martsang bayan, tanghalang bayan, hukumang bayan sa mga lansangan at pangunahing mga plaza sa Maynila, at sa harap ng Malacanang sa Mendiola at US Embassy sa Roxas Boulevard–nang unang tatlong buwan ng 1970–isa ako sa mga aktibong kalahok, dahil sa nakalalaking bahagi ay ang KM ang nangungunang organisasyon dito, bagamat marami pang mga organisasyon ng kabataan at estudyante, manggagawa, maralita ng lungsod, guro, kababaihan at propesyonal, mga grupo at indibidwal ang nakilahok sa Sigwang ito. Pangkalahatang Kalihim ako ng Kabataang Makabayan nang maganap ang Sigwa ng Unang Kwarto ng Dekada 70.

Dahil ang Sigwa/FQS ay isang serye ng mga aktibidad/kalipunan ng mga kilos masa na pinangunahan ng mga kabataan at estudyante, na KM nga ang talibang organisasyon, likas lamang sa mga kalahok nito na maraming bagay at pangyayari ang maalala.

Sa aking panig, hindi ko makakalimutan ang malaking demonstrasyon sa harap ng dating Kongreso ng Pilipinas noong ika-26 ng Enero 1970, kung saan ang mga “radikal” na pinangungunahan ng KM at ang mga “moderato” na pinangungunahan ng NUSP [National Union of Students of the Philippines] na si Edgar Jopson (Edjop) ay nagsama ng mga puwersa upang tuligsain at tutulan ang Kumbensyong Konstitusyonal na minamanipula ni Marcos para sa pagpapanatili ng kanyang kapangyarihan bilang pangulo ng bansa.

Para sa KM at mga kapanalig nito, isang palabas lamang ang kumbensyong ito, farce nga, kabulastugan at dapat lamang ibasura; para naman sa NUSP, kina Edjop, ito ay maaari pa ring asahan, basta magiging “non-partisan” lamang ang pagpapatupad nito. Gayunman nagsama ang dalawang puwersa at sabayang kinumpronta si Marcos at si Imelda, dahil nuon ay nagbigay ng talumpating “state of the nation” ang una, nagtapon ang mga “radikal” at kapanalig nila ng kabaong kina Marcos at Imelda, simbolo nga wika nila ng pagkamatay ng demokrasya sa bansa. Sa ganitong pangyayari, tulirong sumunod ang mga Metrocom at pulis sa biglaang atas ng mga alipuris-militar ni Marcos, para salakayin ang mga demonstrador, ibig sabihin ang mga KM at NUSP, at sa pagtatapos ng pananalakay at pananalasa ng mga militar at pulis, napakaraming nasaktang demonstrador mula sa dalawang organisasyon at alyansa.

Hindi ko makakalimutan ang Enero 26, 1970, hindi man ako nasaktan sa panggugulong-estadong iyon. Dahil sa pamamasistang ito, aktibong nagpulong agad ang KM, ang NUSP, at iba pang mga organisasyon, samahan, grupo at indibidwal na sa pangkalahatan ay naiimpluwensyahan na ng pambansa-demokratikong oryentasyon–para magdaos ng malaking demonstrasyon sa harap ng Malacanang para kondenahin ang tumitinding pasismo at panunupil sa demokratikong karapatan ng sambayanan ng rehimeng US-Marcos.

Kaya nuong Enero 30, isang malaking kalipunan ng mga nagpoprotestang aktibista ang tumambad sa harap ng Malacanang, mga 30 hanggang 40 libong militante ang “sumugod” at “umusig” sa pasistang rehimen. Dahil sa laki at militansya ng mga demonstrador, nataranta ang administrasyong Marcos at ipinasalakay sa Metrocom at mga pulis ang mga demonstrador, namaril, nambatuta, nangulata at nanghampas ng mga demonstrador, na  marami naman ay napilitang mambato at makipagtapatan nga pillbox at kung anu-ano pa, maliban na lamang sa baril dahil wala naman sila! Habul-sugod ang mga militar at pulis, atras-balik-bato ang mga aktibista hanggang sa madaling-araw ng 31 Enero, umabot sa lagpas sa Avenidad Rizal ang habulan-suguran, kaya kahabaan ng Azcarraga (ngayon ay CM Recto) ang naging larangan ng “labanan”, ng “battle scene” wika nga, ng Enero 30-31, ang itinuring naming pangunahin at mas matingkad na pagpitada ng Sigwa ng Unang Kwarto ng Dekada 70/First Quarter Storm Movement of 1970.

Sa alam ko lima ang namatay/napatay rito, kinabibilangan nina Alcantara, Tausa, Catabay, pawang mga kabataaang estudyante. Tulad ng Enero 26, hindi ko makakalimutan ang hapon, gabi, at madaling araw ng Enero 30-31, kung hindi rin ako nasaktan sa gabi at madaling araw na nabanggit.

Bakit po nangyari ang FQS? Ano ang pinag-ugatan nito?

Hindi ko alam kung ano ang tiyak na dahilan kung bakit nangyari ang FQS. Ang masasabi ko lamang, gaya ng madalas sabihin ng mga kahenerasyon ko sa KM at mga kaalyadong organisasyon sa kilusang pambansa-demokratiko, ang FQS ay isang kulminasyon sa pagsulong ng kilusang kabataan at estudyante sa partikular, at ng mas malawak na kilusang masang kinapalooban nito sa kabuuang pagkilos pambansa-demokratiko sa pangkalahatan–isang duluhan ng rebolusyong pangkulturang nakatuon sa mga pangunahing suliranin ng lipunang Pilipino noon (at ngayon) na tinukoy naming imperyalismong Amerikano (US), katutubong pyudalismo at burukratang kapitalismo, at ang tumitinding pasismong sa malaking bahagi ay nagsusuhay sa tatlong nabanggit.

Bilang isang serye ng mga rali at demonstrasyon, martsang bayan, dulasangan at tanghalang bayan, hukumang bayan, pulong bayan, asembleyang bayan, at ng iba’t ibang tipo ng mga miting publiko at pagtitipong bayan, ang FQS nga ay kulminasyon, duluhan, ng mga pagsisikap na nagsimula pa noong 1959 sa pagkatatag ng Student Cultural Association of the University of the Philippines (SCAUP) na naitatag sa pangunguna ni Jose Maria Sison, ng mga pulong-pag-aaral, miting, porum at simposyum na pinangunahan ng SCAUP at mga kaalyadong grupo at indibidwal ng maagang sisenta; ng pagkatatag ng Kabataang Makabayan noong ika-101 kaarawan ni Andres Bonifacio noong Nobyembre 30, 1964 at ng mga aktibidad sa pag-aaral, asembleya, kumperensya at kongreso ng nasabing organisasyon, na mahigpit ding kaagapay ng mga piket, rali, demonstrasyon, at iba pang tipo ng pangmasang pagkilos ng nasabing organisasyon bilang mga pangunahing porma ng praktika ng mga pinuno at kasapi ng organisasyon. Sa pagpapatuloy ng SCAUP at KM sa ikalawang hati ng sisenta at maagang sitenta, lalunang  yayabong ang kilusang kabataan at estudyante, laluna sa Kamaynilaan, kung kaya higit na may pagsusuhayan ang magaganap na kulminasyon, ang FQS sa malaking banda.

Isang kulminasyon ng mahabang proseso ng pagsisikap, pagbubunsod, at pagpapatuloy ang mga tiyak na tuntungan ng pagkakaroon ng FQS, bawat bahagi ay pinlano’t pinagsikapan, pinagkaisahan at pinagtulung-tulungan, ngunit ang bunga ay masasabing isang pagsilakbo, kahalimbawa ng pagsulak ng matagal nang naapuyang sinaing. Gaya rin ng madalas na resulta ng sama-samang pagkilos, mula sa pagpukaw, pag-organisa at pagmobilisa, ang naganap na FQS.

Gayunman, dapat makitang kalahok sa FQS, laluna sa demonstrasyong Enero 30-31 sa Mendiola noong 1970, na nagpayanig sa Malakanyang at pasistang rehimeng US-Marcos, ang Samahan ng Demokratiko ng Kabataan (SDK), Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka), Samahang Molave, Malayang Pagkakaisa ng Kabataang Pilipino (MPKP), National Association of Trade Unions (NATU), National Association of Free Labor Unions (NAFLU), Katipunan ng Makabayang mga Guro (KAGUMA), Samahan ng Makabayang mga Syentipiko (SMS), Samahan ng Makabayang mga Nars (SAMANA), Malayang Samahan ng Magsasaka (MASAKA), Pambansang Katipunan ng Magbubukid sa Pilipinas (PKM), Kilusan ng Kabataan sa Tondo (KKD), Kilusang Kabataang sa Makati (KKM), mga student reform movement, mga unyon, maralita ng lungsod, at iba pang mga patriotiko at makabayang grupo at indibidwal. (Sana ay nasagot ang iyong katanungan, kung bakit naganap, saan kaya nag-ugat!)

Ano naman ang naging pamana ng FQS sa mga sumunod henerasyon ng kabataan? Mahalaga pa bang alalahanin ito ng kasalukuyang panahon?

Ang teorya at praktika ng pagkilos pambansa-demokratiko sa kaibuturan ang masasabi kong pamana ng FQS sa mga sumunod na henerasyon, gaya ng League of Filipino Students (LFS), Anakbayan, National Union of Students of the Philippines (NUSP), Student Christian Movement (SCM), College Editors Guild of the Philippines (CEGP), at ng iba pang mga organisasyon, samahan, alyansa at grupong kinabibilangan ng mga kabataan at estudyante. Syempre maaaring ipartikularisa ang teorya at praktikang ito sa mga larangan ng grupong pandiskusyon, pulong pag-aaral, porum at mga simposyum sa mga pangmatagalan at napapanahong mga usapin at isyung panlipunan; sa mga piket, rali, demonstrasyon, martsang bayan, lakbayan, dulasangan, tanghalang bayan at iba pang anyo ng pangmasang pagkilos tungo sa pagpukaw, pag-organisa at pagmobilisa ng mas malawak na masa ng sambayanan laban sa imperyalismong US, katutubong pyudalismo at burukratang kapitalismo.

Oo, mahalagang alalahanin: una makikita itong nakaangkla sa isang banda sa mga panandang bato sa kasaysayan ng pagkilos ng kabataan sa kilusang sekularisasyon nina Burgos, Gomez at Zamora, sa Unang Kilusang Propaganda nina Rizal, del Pilar at Jaena, sa Himagsikang 1896 nina Bonifacio, Emilio Jacinto, Aurelio Tolentino, Emilio Aguinaldo at Katipunan, sa panimulang kilusang manggagawa nina Isabelo de los Reyes, Hermenegildo Cruz, Dominador Gomez, sa proletaryong mga organisasyon na

pinangunahan nina Crisanto Evangelista, kung saan ang kabataan at estudyante ay matitingkad na bahagi at salalayan ng pagsulong at pag-unlad ng kamalayan at pagkilos; pangalawa, ang kilusang kabataan at estudyante ng sisenta at sitenta ay kapupulutan ng mga binhi ng malalim na pagbaka sa sarili at pagsisikap makipagkapwa, matiyagang pag-aaral sa mga unibersal at partikular na katangian at salik ng lipunan, bayan at bansa, pag-uugnay ng pag-aaral at pag-unawang ito sa lipunan, bayan at bansa, syempre pati ng sandaigdigan, sa mga naaangkop na pagkilos tungo sa pagpukaw, pag-organisa at pagmobilisa sa malawak na masa ng sambayanan tungo sa pagbubuwag ng mapanupil at mapagsamantalang estado at kalagayang panlipunan, tungo sa pagbubuo ng demokratiko, makatarungan at maunlad na lipunan, nang may pagtanaw sa isang lipunang sosyal na pag-unlad ang tunay na nilalayon, para nga sa nakararaming magsasaka, manggagawa, nagdarahop at nagdaralita.

Syempre pa, nariyan ang prinsipyong lingunin mo ang nakaraan, para makita ang nilalandas ng kasalukuyan at mapanghawakan ito–tungo sa pag-unawa, pagbuo, at paghawak ng hinaharap. TOTOO, WALANG MABUTING MAIDUDULOT ANG PAGLIMOT SA ISANG YUGTO NG DEMOKRATIKONG PAKIKIPAGTUOS AT MAKAURING PAKIKIPAGHAMOK!

Kung nasabi ko sa unang bahagi na may pamana at halaga sa kasalukuyang henerasyon ang FQS, nais kong idagdag na hindi lamang sa mga panayam, primaryong pananaliksik, at pagbabalik-tanaw nang tuwiran sa mga lugar/tagpuan/tipunan/hugpungan ng panahon ng FQS makikita ang “pamana” at “halaga” ng Sigwa ng Unang Kwarto ng Unang Dekada ng 1970; bagkus nga makikita ito sa mga aklat, dokumento, artikulo at/o nalimbag na mga panayam at pananaliksik, pati na ang mahigpit na kakawing na teorya, ideolohiya, pulitika at sistemang pang-organisasyon ng panahon.

Oo, dokumentado na ang  FQS sa nakalalaking bahagi sa mga sumusunod: Days of Disquiet, Nights of Rage, the First Quarter Storm and Related Events ni Jose F. Lacaba, The First Quarter Storm ng Silangan Publications, 1970 (isang publikasyong underground ngunit may mga kopya sa pangunahing library ng bansa), Kilusang Pambansa-Demokratiko sa Wika ni Monico M. Atienza, mga panayam sa Midweek Magazine sa marami-raming beterno/na, kalahok, at kaugnay ng FQS, gayundin sa mga pahayagang Today, The Manila Chronicle, Philippine Daily Inquirer, sa dalawang VCD kaugnay ng Ika-40 Anibersaryo ng Kabataang Makabayan (SIPAT), iba pang mga VCD at CD na gawa ng mga estudyante, laluna sa UP, na matutunton sa mga kalahok at kaugnay ng FQS, Struggle for National Democracy/Makibaka para sa Pambansang Demokrasya ni Jose Maria Sison, Philippine Society and Revolution/Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Amado Guerrero (muling ilulunsad sa ika-15 ng Pebrero sa Balay Kalinaw sa U.P. sa Diliman, Q.C., pinakahuling edisyon), Mga Dokumento ng Pagtatatag ng Kabataang Makabayan noong 30 Nobyembre 1964, Mga Dokumento ng Pagtatatag ng Movement for the Advancement of Nationalism (MAN) noong 1967, mga aklat/monograp nina Hermie Rotea, Ceres Alabado, Santiago (di maalala ang pangalang una), iba pang mga artikulo at salaysay/sanaysay sa dating Manila Times, laluna sa mga  panlinggong suplemento nito, pati na sa ilang pahayagan ng panahon, at sa mga talumpati/phone patch ni Jose Maria Sison, taun-taon sa anibersaryo ng FQS, at sa mga dokumento ng pagtatatag, pagpapatuloy, pagsusulong ng First Quarter Storm Movement na itinatag noong 2001, sa mga larawan at Mural (inilunsad nitong ika-36 na Anibersaryo ng FQS sa harap ng dating Kongreso, tagpuan ng simulang pitada ng FQS noong 26 Enero 1970, at ilalagak sa Museo sa Bantayog ng mga Bayani sa EDSA-Quezon Avenue),  sa mga larawan, mga artikulo at talumpating naka-post sa www.arkibongbayan.org, sa aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas, Ateneo de Manila University, Polytechnic University of the Philippines, at sa Lopez Museum sa Makati. (Mayaman ding daluyan at sanggunian ng panahon ang mga pahayagan ng unang tatlong buwan ng dekada 70 na matatagpuan sa National Library at Library ng Batasang Pambansa, na may panimula nang gawain ang First Quarter Storm Movement, pangunahin ang pagdodokumento’t panimulang pagtitipon at anotasyon.)

Hindi ito exhaustive, sabihin pa, pero pagpapatuloy pang pagtunton sa “pamana” at “halaga” ng FQS sa kasalukuyang henerasyon, at pati na rin sa hinaharap. Matatandaang lagi ang pangungusap ni George Santayana, na malaya kong isinalin: “Iyong hindi nangatuto sa mga aral ng kasaysayan, ay kinondenang/naitakdang ulitin ang mga ito.” O kaya alalahanin natin ang sabihin ng ating mga nakatatanda: Ang hindi lumingon sa nakaraan, ay hindi makararating sa paroroonan!

Anu-ano po ang pagkakahawig at pagkakaiba ng panahon noong FQS at kasalukuyang kalagayan ng ating bansa?

Mga pagkakahawig ang kalagayang panlipunan noon at ngayon, nasa ilalim o matinding pagkahawak ng imperyalismong US ang gobyernong Pilipinas noon at gobyernong Pilipinas ngayon; suhay at tagapagpatuloy pa rin ang gobyerno noon at ngayon ng imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo; api at pinagsasamantalahan pa rin ang nakararaming manggagawa at magsasaka, manggagawang bukid, maralitang tagalunsod at iba pang uri at sektor na nagdarahop sa lipunang Pilipino, noon at ngayon.

Pagkakaiba naman na noon ay panahon ng Cold War, may mga bansang sosyalista gaya ng Tsina at Unyong Sobyet at malalakas na kilusang mapagpalaya sa Asya, Aprika at Latina Amerika na malaking suporta at inspirasyon sa kilusang pambansa demokratiko at pakikibaka ng sambayanang Pilipino, kasagsagan ng Proletaryong Rebolusyong Kultural sa Tsina sa ilalim ni Mao Zedong at Tsinong lider sosyalista, at nasa rurok ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mga Byetnames, Kambodyano at Laotian laban sa imperyalismong US; pagkakaiba ring nag-iisa ngayon ang superpower na imperyalista, ang US, bilang kaaway ng mga kilusang rebolusyonaryo at mamamayan ng daigdig, walang-habas ang pandirigma nito sa Iraq, Afghanistan, Middle East, at laging gustong manalakay sa iba pang panig ng mundo, kaya napakahirap din sa mga nakikibaka’t kumikilos para sa reaksyunaryong sistemang monopolyo kapitalismo sa daigdig.

Gayunman, magkapareho ang kilusang kabataan at estudyante noon, at ngayon, dahil sa kapwa lumalaban ang mga ito sa imperyalismo, katutubong pyudalismo at burukratang kapitalismong nagsusuhay sa una; at kapwa rin ito pagpapatuloy ng rebolusyonaryong kilusang manggagawa at magsasaka na mas matinding nag-umpisa’t nagpatuloy ng pakikibaka simula noong 26 Disyembre 1968 at mas tumingkad noong 29 Marso 1969; na kapwa pagpapatuloy at paglagpas sa mga kilos-kabataan nina Burgos, ng Unang Kilusang Propaganda nina Rizal, del Pilar at Lopez-Jaena, ng Himagsikang 1896 nina Bonifacio, Jacinto at ng Katipunan, ng mga pagkilos ng manggagawa sa panahon ng Amerikano, maaalala sina Isabelo de los Reyes, Hermenegildo Cruz, Dominador Gomez at mga organisasyon at unyong itinatag nila’t sinalihan, laluna na ang kilusang ng manggagawa at magsasakang pinangunahan nina Crisanto Evangelista, Pedro Abad Santos, Juan Feleo, Felixberto Olalia, Amado Hernandez atbp, at ang paglahok-pagpapatuloy-pagsusulong nila sa kilusang pambansa-demokratiko ng dekada sisenta, hanggang sa pagrurok nito noong 1968 at 1969.

Magkapareho, magkaisa, magkaputol, magkakawing, iisa-ang-pusod sa maraming banda ang KM, LFS, Anakbayan, Movement for a Democratic Philippines, Makibaka, Gabriela, KMU, KMP, US Tobacco Labor Union, at mga kapanalig nila—sa iisang kilusang pambansa-demokratiko at demokratikong pakikihamok ng sambayanan. Syempre, wala lahat ang mga mga ito kung hindi nakaugat at nakakawing sa malawak na sambayanang Pilipino, laluna ng mga manggagawa at magsasaka at maralita ng lungsod.

Sa palagay ninyo, posible bang maulit, o dapat bang maulit ang FQS?

Para sa akin, mahirap ang pagkaulit o pag-uulit ng FQS. Unang-una, me pagkakahawig man ang kalagayan noon at ngayon, at me pagkakahawig ang kanilang mga ideolohiya, pulitika at sistemang pang-organisasyon—tinutukoy ko ang nasa (4)—ay tunay na namang naiiba ang kongkretong kondisyong pangkasaysayan noon at ngayon.

NGUNIT ANG MULING PAGBUGSO AT PAGRUROK NG PAKIKIBAKA NG KABATAAN AT ESTUDYANTE, KASAMA ANG MGA URI, SEKTOR, GRUPO AT INDIBIDWAL NG MALAWAK NA MASA NG SAMBAYANAN, AY HINDI LAMANG POSIBILIDAD, KUNDI PROBABILIDAD.  Wika nga ni Rizal sa ANG PILIPINAS SA LOOB NG ISANDAANG TAON, walang pagsasamantala’t pang-aaping nagpatuloy—nang hindi binaligtad at winasak ng inaapi’t pinagsasamantalahan, at wiwikain pa nga niya, ito ang tunguhin ng kasaysayan, saanman at kailanman. AKO’Y NAGHIHINUHA LAMANG, KAIBIGAN! (Tinig.com)

Ganyan na lang ba?
(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)

Noong People Power 2, â€œguiltyâ€ ang hatol ng taumbayan kay dating Pangulong Joseph â€œErapâ€ Estrada sa mga kasong bribery, graft and corruption, betrayal of public trust at culpable violation of the constitution na isinampa laban sa kanya sa di natapos na impeachment trial.

Pagkatapos ng anim na taon, guilty rin ang hatol sa kanya ng Sandiganbayan sa kasong pandarambong dahil sa paulit-ulit niyang pangongolekta ng umabot sa mahigit 50 milyong pisong suhol sa jueteng sa tulong ni dating Ilocos Gov. Chavit Singson at iba pang mga kasabwat. Nangolekta rin siya ng komisyon mula sa pagbebenta ng Government Service Insurance System at Social Security System ng shares ng Belle Corporation.

Dahil dating pangulo, at upang maiwasan ang muling pagwawala ng mga tagahanga ng dating sikat na artistang naging pulitiko, sa halip na ikulong sa National Bilibid Prison ay hinayaan si Estrada na manatili na lamang sa kanyang rest house sa Tanay, Rizal. Di tulad ng mga mahihirap at pangkaraniwang bilanggo, nakakalabas din si Erap mula sa kanyang rest house arrest para dalawin ang inang maysakit at naka-confine sa ospital.

Kahit marami ang nagkibit-balikat lamang at nawalan na raw ng interes sa kaso ni Estrada dahil sa mas malalaki raw na kasalanan ng kasalukuyang rehimen, may mga beterano pa rin ng People Power 2 na natuwa sa naging desisyon ng Sandiganbayan. Sa nakalipas na kolum, isinulat kong â€œGaano man kalabo at kakumplikado ang pangkalahatang eksenang nagsisilbing backdrop sa pagkakahatol kay Erap, may hatid pa rin itong aandap-andap na liwanag at pag-asang kaya rin pala nating magpakulong ng malalaking isda.â€

Ngunit may mga puwersang nagnanais na tuluyang palingin ang aandap-andap na liwanag na ito.

Iilang araw pa lamang ang nakakalipas mula nang ibaba ang hatol, ang kalihim mismo ng Department of Interior and Local Government ang dumalaw sa kampo ni Estrada upang makipag-usap tungkol sa inaaalok na presidential pardon ng kasalukuyang administrasyon. Abaâ€™y napakapalad na tao ni Pangulong Estrada! Nahatulan pero di nakulong, at may special delivery pa ng alok na kapatawaran!

Ganoon na lamang ba? Mangurakot ka man at mapatalsik, walang dapat ipag-alaala. Hatulan ka mang nagkasala, makakawala ka rin naman dahil patatawarin ka ng mga susunod sa iyo! Ang masama pa rito, si Ginang Gloria Macapagal-Arroyo, ang pangulong magpapatawad kay Estrada, ay nahaharap din sa kabi-kabilang akusasyon gaya ng pandaraya at paggamit ng pondo ng bayan para sa kampanya sa eleksyon at paglabag sa karapatang pantao. Kunsabagay, ito rin naman ang nagsisilbing paliwanag kung bakit kailangang gawin ito ni Gloria.

Ang nakapanlulumo at nakapagtataka, nakagagalit at nakapaghihimagsik, halos wala kang maririnig na anumang pagtutol sa ginagawang ito ng kasalukuyang administrasyon. Para bang normal na bahagi na ng kalakaran ng buhay na ang isang mandarambong ay siya pang lalapitan at hahainan ng kapatawaran. Ano na ang nangyari sa atin? Tuluyan na kayang binaluktot nina Erap at Gloria ang pagpapahalaga (values) ng buong bansa?

Malu Fernandez vs OFWs
Isang kolumnista ang nagsulat na gusto na raw niyang maglaslas ng pulso nang maisip na makakasama niyang lahat sa eroplano ang OFWs na nakasalamuha niya sa duty-free shop sa Dubai nang mag-stop over sila sa biyahe niya papuntang Gresya.

â€œâ€¦I forgot that the hub was in Dubai and the majority of [them] were stationed there. The duty-free shop was overrun with Filipino workers selling cell phones and perfume. Meanwhile, I wanted to slash my wrist at the thought of being trapped in a plane with all of them.â€

Isang bahagi iyan ng isinulat ng isang Malu Fernandez, isang pasosyal na kolumnista ng Manila Standard Today, sa kanyang artikulong â€œFrom Boracay to Greece!â€ na nalathala sa People Asia nitong Hunyo 2007.

Parang naimpyerno rin daw siya nang makasama ang maiingay na OFWs sa ecomy class ng sinakyang eroplano:

â€œWhile I was on the plane (where the seats were so small I had bruises on my legs), my only consolation was the entertainment on the small flat screen in front of me. But it was busted, so I heaved a sigh, popped my sleeping pills and dozed off to the sounds of gum chewing and endless yelling of â€˜HOY! Kumusta ka na? At taga sann ka? Domestic helper ka rin ba?â€™ Translation: â€˜Hey there? Where are you from? Are you a domestic helper as well?â€™ I though I had died and God had sent me to my very own private hell.â€

Pati amoy ng OFWs, tinira niya: â€œOn my way back, I had to bravely take the economy flight once more. This time I had already resigned myself to being trapped like a sardine in a sardine can with all these OFWs smelling of AXE and Charlie cologne while Jo Malone evaporated into thin air.â€

Ipinost ko sa blog ko ang link patungo sa buong artikulo. Doon ko rin ikinuwento kung paanong kumulo ang dugo ko nang mabasa ko ito. Naroon din ang reaksyon ng iba pang bloggers at mga mambabasa. (Sana, makarinig din ako mula sa inyo.)

Ayon pa kay Fernandez, na matigas na pinangatawanan ang kanyang mga isinulat, nagpapatawa raw siya. Kung nakabasa raw ng mas makapal man lang sa kanilang magazine ang mga nagbasa ng kanyang artikulo, mauunawaan nila ang ibig niyang sabihin. Pero ako, na adik sa mga libro, ay hindi natawa. Hindi rin natawa ang mga kaibigan ko. Ang nakita ko ay pambabalahura at pagyayabang. Ang nabasa ko ay pagpupumilit na magmukhang sosyal habang tinatapakan at ginagawang katawa-tawa ang masaklap na kalagayan ng ibang Pilipino.

At hindi katawa-tawa ang kinasasadlakang ito ng ating bayan at mga kababayan. Habang ang mga kagaya ni Malu Fernandez at ang mga kapamilya ng pangulo ay aliw na aliw sa pagpaparada ng kanilang mga bag na Louis Vuitton sa bakasyon nila sa ibang bansa, ang maraming Pilipino ay naluluha habang nag-iimpake sa mga walang pangalang maleta dahil kailangan nilang malayo sa mga mahal sa buhay at maglingkod sa mga dayuhan sa ibang bayan upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

Sabi nga ni Vlad Gonzales, manunulat at kasamahan ko sa Tinig.com, ang usaping ito ay nag-uugat â€œsa suliraning ng pagdarahop ng sariling bansa, at nakalulungkot na gagawing katatawanan ang pagsasakripisyo ng mga kababayan, pagsasakripisyo ng oras na kasama ang pamilya, ang pagsisilbi sa mga hindi kalahi, para lang makagawa ng â€˜nakakatawangâ€™ artikulo.

(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)

‘Pambansang Kahihiyan’
Na-bad trip ang kinatawan ng grupong Gabriela kay Justice Secretary Raul Gonzalez dahil sa mga pahayag nito tungkol kay Julia Campbellâ€“-isang dakilang Amerikanang nagsilbi sa mga mahihirap na pamayanan sa Pilipinas ngunit ginantihan lamang ng karahasan.

Sabi kasi ni Raul, careless daw si Julia. â€œShe was a little irresponsible. Why would she walk alone in this remote mountain? I think, [if she had a companion], it would not have happened. She was careless that she took a lonely walk in this deserted area. Maybe she was confident [of being familiar with the countryside].â€

Kakaiba talaga si Raul, oo! Sana iginalang niya ang namatay, lalo pa’t si Campbell, isang US Peace Corps volunteer, ay nagmalasakit nang buong puso sa ating mga kababayan.

Sagot tuloy ni Rep. Liza Maza ng Gabriela, si Gonzalez ay isang â€œpambansang kahihiyan.â€

â€œSec. Raul Gonzalezâ€™ statement on Julia Campbell is deplorable. It is macho, irresponsible and disrespectful of the dead. Gonzales, as a full blooded macho, is resorting to victim blaming. He is a national shame,â€ wika ni Maza.

â€œWhether Ms Campbell was victim of foul play or it was simply an accident, she cannot be blamed for her own death. Mr. Gonzalez simply could not stop himself from spewing venom after venom. He just kept racking up evil points from women,â€ dagdag pa ni Maza.

Ayon sa Gabriela Womenâ€™s Party, consistent daw si Gonzalez sa anti-women stance nito. Nauna nang hiniritan ni Raul sina Kris Aquino, Susan Roces, at â€œNicole.â€

May mga pagkakataong nakakatawa ang mga hirit ni Raul, pero hindi lahat ng nakakatawa ay nakakatuwa. Sa mga panahong may dapat ipagluksa, mas makabubuti sigurong ang mga tulad niyaâ€™y mag-isip muna bago magbuka ng bunganga.

Hustisya at Dangal
â€œIsang taon na ang nakalipas mula nang ako ay ginahasa at itinapon ng mga Amerikanong sundalo sa tabi ng daan na parang baboy. Sa araw na ito noong nakaraang taon, pumunta ako sa Subic kasama ang aking mga kapatid para magbakasyon. Noon, punung-puno ako ng buhay at pag-asa sa aking kinabukasan. Noon, masaya akong nabubuhay kasama ang aking pamilya. Hindi ko akalain na ang aking pagbakasyon sa Subic ay hahantong sa isang trahedya. Sa araw na ito noong nakaraang taon, nagbago ang aking buhay.â€

Ganito sinimulan ng biktimang tinatawag na si Nicole ang kanyang pahayag sa unang anibersaryo ng kontrobersyal na Subic Rape case. Punung-puno ng hinaing ang pahayag ni Nicole. Ikinuwento niya ang naranasan niya sa paghahanap ng katarungan: â€œHindi naging madali ang aking pagsampa ng reklamo laban sa aking mga rapists. At lalong hindi naging mabait sa akin ang sistema nang ako’y magdesisyon na ituloy ang aking kaso,â€ ayon kay Nicole.

Sa halip daw na ang gobyerno ay maging kakampi niya sa kanyang laban, mas pinahirap pa nito ang kanyang sitwasyon: â€œWala ni isang pahayag ng suporta ang nanggaling sa ating babaeng Pangulo, samantalang ang Kalihim ng Department of Justice (DOJ) ay paulit-ulit pang pinagtanggol ang aking mga rapists.â€

Nakapagtatakang nananahimik na naman ang babaeng Pangulo sa kaso ni Nicole, na parang bang ito’y ang â€Hello Garci.â€ Hindi naman siguro masasabing takot siyang mabosesan.

Samantala, kung nasubaybayan ninyo ang mga balita, alam ninyong sa una pa lamang ay ibinaba na ni DOJ Sec. Raul Gonzalez ang kaso ng tatlo sa apat na mga suspek. Mula sa pangunahing akusado, ginawa silang mga kasabwat lamang. Napaulat ding hinikayat ng mga prosecutor ng DOJ ang nanay ni Nicole na makipag-ayos na lamang. Nang hilingin ng kampo ni Nicole na palitan ang mga prosecutor na tila kumakampi pa raw sa kalaban, hindi pinagbigyan ng DOJ si Nicole. Pero kamakailan lamang, sinibak naman ni Gonzalez si Atty. Hazel Valdez, ang prosecutor na umalma nang ikansela ng mga kasama niya ang naka-schedule na prosecution’s rebuttal para sagutin ang argumento ng mga suspek.

May mga nag-iisip na deserving si Nicole na makaranas ng ganyang pagtrato. Pokpok daw si Nicole, sabi ng iba. Pero ayon sa mga nakakakilala sa biktima, isa siyang disenteng babaeng mula sa isang pamilyang may kaya rin naman.

Sabi ng iba, hinanap daw ni Nicole ang nangyari sa kanya. Bakit daw siya pakalat-kalat sa bar at nakikipagsayaw sa mga lalaki? Bigyan natin sila ng time machine–baka sakaling makita nila ang mga kapanahon nilang sina Maria Clara o ang mga prayleng ayaw magbigay ng pantay na karapatan sa mga babae at lalaki.

Ayon sa isa sa apat na suspek, mukhang nagkagustuhan daw sina Nicole at Smith, kaya walang rape. Pero kahit sa mag-asawa, ang pamimilit ay panggagahasa. Sa kaso ni Nicole, na wala sa sariling wisyo dahil naparami ang ininom, pagsasamantala pa rin ang ginawa ni Smith.

Mas nakakagalit ang ganitong pagsasamantala sa kabila ng katotohanang ang mga dayuha’y may ngiti at buong paggiliw na tinatanggap ng maraming mga Pilipino.

At mas masakit isiping ang ganitong mga pangyayari ay paulit-ulit na lang nangyayari sa bawat yugto ng ating kasaysayan. Mula sa mga Kastila hanggang sa mga Kano at Hapon, paulit-ulit nang nagahasa ng mga dayuhan di lamang ang ating mga kababaihan, pati ang ating buong lipunan, kultura’t kalikasan.

Binago ng Subic rape case ang buhay ni Nicole. At sa kanyang pagtayo at paglaban, sana’y baguhin rin ng kasong ito ang kasaysayan ng bayang Pilipinas. Nawa’y makamtam ni Nicole ang katarungan, at makita ng mundo na ang Pilipinas ay isa nang bayang may hiya’t pagdaramdam at may pagpapahalaga sa karangalan.

(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)

Sa Paglisan ni Dan
Si Danifel M. Campilan, katrabaho, Kapuso, kasama.

Kahit di kami laging nagkakausap sa opisina, dati’y kinukulit-kulit ko si Danâ€“pati ang iba pang mga reporterâ€“-na magpasa na ng kanyang profile para sa website ng kumpanyang aming pinagtatrabahuhan. Hinikayat ko rin siyang sumagot sa mga mensahe ng kanyang mga tagahanga sa Kapuso forums, na masigla naman niyang ginawa.

Isang linggo pa lamang ang nakalilipas ay kausap ko siya at ang isa pa naming katrabaho. Iyon ang mga oras na relaxed na ang karamihan sa amin matapos ang isang araw ng pangangalap at paghahatid ng balitaâ€“-yung panahong patapos na ang aming evening newscast. Ang paksa ng maikling umpukan namin ni Dan: ang katigasan ng ulo ng aming mga buhok na mahirap mapasunod. “Mas malala” raw â€˜yung sa akin, ‘ika niya.

Sinong mag-aakalang ilang araw matapos ang usapang iyong tungkol sa munting kababawan ng buhay ay biglang mamamaalam si Dan, na isang mapagkalingang anak at kapatid at masayang kaibigan para sa kanyang mga mahal sa buhay?

Minsang pinag-uusapan namin ni Mhay ang mga kasamahan naming reporter, sabi ko’y isa si Dan sa mga gugustuhin kong makitang magtagumpay. Tulad ko, laking bukid din si Dan. Lagi kong sinasabi na kung di ako nakapasa sa entrance exam sa Unibersidad, siguro’y nagbubunot ako ng damo o kaya’y nagpapakain ng kalabaw sa maliit na lupa ng lolo at lola ko. Samantala, ang sagot ni Dan sa tanong na kung wala sa media, ano kaya ang magiging career niya:

“Siguro nasa field ako ng information technology kasi yun ang kurso ko. Siguro din magsasaka ako kasi yun ang pangarap ko noon para tulungan ang aking mga loloâ€™t lola sa pagtatanim ng mais sa probinsya. hahaha. Ang babaw lang ng mga pangarap ko. Kahit ngayon I still want to become a farmer pero siguro pag nag-retire na kasi kailangan ko kumita. hehehe,” ang isinulat ni Dan.

Si Dan ang sumusuporta sa kanyang mga magulang at nagpapaaral sa kanyang limang mga kapatid. Nakapagpundar na nga siya ng isang munting tindahan para sa kanyang nanay at tatay. Tungkol sa pagiging breadwinner niya, sabi ni Dan: “Masaya naman at isang fulfillment sa buhay kasi nakikita mo mga kapatid mo na nakapagtapos sa pag-aaral.”

Kinailangan nga ni Dan na kumita para sa kanyang pamilya. Ngunit batid nating lahat na sa kabila ng kadalasa’y glamorosong estadong ikinakabit sa pagiging reporter sa telebisyon, hindi ito ang pinakamabisang paraan para kumita nang malaki, lalo na sa para sa mga bata at nagsisimula pa lamang na tulad ni Dan.

Naniniwala akong hindi binitiwan ni Dan ang simulaing makapaglingkod na nasimulan niya bilang aktibista at mamamahayag pangkampus sa Cebu Institute of Technology, kung saan siya naging DOST scholar. Sa kanyang mga ulat, binigyang-tinig ni Dan ang mga pangkaraniwang tao gaya ni Juliet Chavez. Wika nga ng isang kasapi ng Kapuso Forum sa kanyang mensahe kay Dan, “Thank you for the sacrifices that you made just to tell the rest of the Filipino people what is actually happening around us and [for] putting your life on the line to do public service. I believe that you wouldnâ€™t be a reporter if you didnâ€™t have love [for] our country and its people.”

“We will surely miss Dan Campilan. His untimely death is a great loss for the broadcast industry as well as the peopleâ€™s movement he belonged to and covered with great interest,” pahayag naman ng Bagong Alyansang Makabayan.

Sang-ayon ako sa sinabi ni Ma’am Jessica Soho: sa paglisan ni Dan, isang mabuting halimbawa ang kanyang iniwan: pagsisikap sa kabila ng kahirapan, pagtataguyod sa pamilya, at paglilingkod sa bayan.

SONAta ng Kabataan
(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)

Nagsama-sama sa isang okasyon kamakailan si Manny Pacquiao, ang pambansang kamao; sina Leo Oracion at Pastor Emata, dalawa sa mga Pinoy na nakarating sa tuktok ng mundo; ang mga kababayan nating umani ng medalya sa 2005 Southeast Asian Games; at ang kasalukuyang Miss Tourism Queen International 2006, si Justine Gabionza. Lahat sila’y iprinisinta sa State of the Nation Address (SONA) ni Gloria Macapagal-Arroyo noong Hulyo 24. Kaya naman sa halip na maging ulat sa bayan, naging isang magarbong palabas ang nakalipas na SONA.

Pero para sa ilang grupo ng kabataang naglunsad ng magkahiwalay na protesta, malungkot na sonata pa rin ang SONA ni Arroyo.

Tinuligsa ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) ang pagpaparada ni Arroyo ng “People’s Champions.” Isang gimik na naman daw ito para pagandahin ang kanyang imahe. “Wala pa sa kalingkingan si Arroyo ng pagiging “people’s champion,” wika ni Dion Carlo Cerrafon ng SCMP. Sa halip, si Arroyo raw ay “kampeon ng diktadura.” Kasama si Cerrafon sa mga kabataang nagprotesta sa lansangan noong araw ng SONA.

Ang itinuturing na kampyeon ng mga aktibista ay ang mahigit 700 kapanalig nilang pinaslang mula nang umupo si Arroyo. Kabilang sa mga pinatay ang ilang kabataang tulad nina Benjaline Hernandez ng College Editors’ Guild of the Philippines; si Cris Hugo,  national council member ng League of Filipino Students (LFS) na pinaslang noong Marso sa harap ng Bicol University kung saan siya magtatapos na sana ng kolehiyo; at si Sorsi Reimond Guran, mas kilala sa palayaw na Ambo, ang unang kabataang biktima ng pamamaslang sa ilalim ng gobyernong Arroyo matapos ang SONA.

Sa kanyang SONA, pinuri ni Arroyo si Jovito Palparan, ang heneral na laging itinuturo ng mga aktibista na may kaugnayan sa mga pagpatay sa mga lugar na nakadestino siya. Kasunod ng papuri kay Palparan, idineklara ni Arroyo: “In the harshest possible terms I condemn political killings.”

Pero noong katapusan ng Hulyo, pinatay nga si Guran halos kasabay ng pananambang sa isa pang lider ng Bayan muna sa Kalinga na ikinamatay ng kanyang asawa. Isang araw bago ito, isa ring kasapi ng Bayan Muna ang pinatay sa Nueva Ecija.

Maliban sa pagpapatumba ng mga aktibista, tinuligsa rin ng mga kabataan ang umano’y pagpapabaya ng rehimen sa edukasyon. Ayon kay Mong Palatino ng Kabataan Party, nakaririmarim na habang ilang talata ang ginugol ni Arroyo para pasalamatan ang kanyang mga kakampi, pinasadahan lang niya ang kalagayan ng edukasyon sa panahong ang sektor na ito ay nasa matinding krisis. Ang lakas daw ng loob niyang mangarap ng malalaking proyekto ganoong ni hindi niya mapunuan ang kakulangan sa mga silid-aralan.

Ayon sa statistics ng Freedom from Debt Coalition (FDC), nasa Pilipinas daw ang isa sa pinakamasisikip na silid-aralan sa Asya: 55 hanggang 56 students ang pinagkakasya sa bawat silid, at sa kabila ng sinasabi ni Arroyo na wala nang classroom shortage, 44,000 silid-aralan pa ang kailangan natin.

Sinampolan naman ni Eleanor de Guzman ng Anakbayan ang pagbabago ng gobyerno sa kahulugan ng ilang economic indicators, gaya ng unemployment, upang mapalabas lamang na maganda ang kalagayan ng ekononomiya. Sabi naman ni Vencer Crisostomo ng LFS, lagi raw bigo ang mga pangako ni Arroyo dahil political survival ang laging pangunahing layunin ni Arroyo.

Ang administrasyong Arroyo ay may pera raw sa giyera pero sa eskuwela ay wala, wika naman ni Marco delos Reyes ng National Union of Students of the Philippines (NUSP). Ganito rin ang hinagpis maging ng mga kabataang aktibistang nasa paksyong karibal ng blokeng kinabibilangan ng Anakbayan-LFS-NUSP-CEGP.

Ayon kay Chester Amparo ng Youth for Nationalism and Democracy, isa sa mga lider kabataang kaalyado ng FDC at Laban ng Masa na sumama sa protestang tinawag na “State of the Youth Address” (SOYA) sa  Plaza Salamanca sa Maynila, handa raw gumastos ang rehimen sa anti-insurgency projects, pero tinitipid naman ang edukasyon.

Base pa rin sa statistics na ihinanay ng FDC, isa sa 10 Pilipino ang ni hindi nakapag-aral; 4.1 milyon ang hindi nakakabasa at nakakapagsulat; 11.6 milyon ang out-of-school youth. Sa 100 mag-aaral na papasok sa Grade 1, may 13 lamang na makakapagtapos ng kolehiyo, at kulang tayo ng 25 milyon textbooks at 50,000 pampublikong guro.

Ayon kay Bianca Lapus ng Student Council Alliance of the Philippines, sa limang taon sa ilalim ni Arroyo, ang mga Pilipinong kabataan at mag-aaral ay lalong nagiging walang edukasyon, lubog sa utang, at gutom.

Ang mga ito marahil, at hindi ang ipinipinta sa magarbong palabas sa harap ng Kongreso, ang tunay na kalagayan ng kabataang Pilipino.

Pambansang Kamao
Tila may People Power sa mga lansangan ng Maynila at lungsod ng Quezon noong Enero 27, Biyernes.

Sa mga sidewalk at kanto, nagtipon ang mga tao. Yung iba, pati sa gitna ng kalsada, ang mga sasakyan ay hinamon ng patintero. May mga inabot ng ulan,  at may mga di nagsawa sa kakalakad-takbo. May mga naghagis ng confetti, at may mga nagsindi ng pailaw. Ang lahat ng ito, bahagi ng pagbubunyi at pagsalubong sa “Pambansang Kamao,” si Manny Pacquiao, na nagpatumba sa Mehikanong boksingero na si Erik Morales.

At kapag ganitong may mala-People Power na kaganapan, mawawala ba ang mga plakard at banners? Samu’t saring mensahe ang sumalubong kay Pacquiao, at ang mga ito’y puro puno ng pagtanggap at pagmamahal o — di kaya’y pagbibiro: “Pambansang Kamao,” “Manny, isang suntok naman diyan!”, o “Manny, anakan mo ako!” Walang kapaguran namang kumaway at ngumiti sa lahat ang sinasalubong na si Pacquiao.

Huling nakita ang ganitong mainit na pagtanggap na may kasamang pagbubunyi sa mga lansangan noong kampanya ni Fernando Poe, Jr. sa pagkapangulo, ayon sa Philippine Daily Inquirer. (Siyempre’y hindi ito maikukumpara sa sa libing ni FPJ, na dinagsa rin ng napakaraming mga tao, dahil ang araw na iyo’y balot ng pagluluksa).

Sa maikling panahon ay napagkaisa ni Pacquiao ang kadalasa’y hati-hating sambayanang Pilipino. Para sa ating lahing ngayo’y sadlak sa dusang dala ng kahirapan at kahihiyang dulot ng mga pekeng lider, ang manalo nang walang pandaraya sa isang labanan ay malaking karangalang sapat na upang ipagbunyi ng buong bayan.

Ang totoo niyan, hindi ako pabor sa boksing. Bagamat legal na laro, ang tingin ko pa rin dito ay barbarong sabong ng mga tao. Bakit kailangang magsakitan sa isang laro? Bakit kailangang mawarak ang mukha, matanggalan ng ngipin, o mabalya — kung hindi man bawian ng buhay — para sa ikatutuwa ng mga nanonood? Ngunit habang inaawit ni Jennifer Bautista ang “Lupang Hinirang,” siyempre’y ninais ko ring magwagi ang ating panabong na si Pacman.

At paanong hindi ka makaka-identify kay Manny Pacquiao? Sa aking pananaw, siya ang tipikal na Pilipinong nagtataglay ng mga katangiang produkto ng ating masalimuot na nakaraan at kasalukuyan. Base sa kanyang mga ikinikilos at sinasabi sa harap at likod ng kamera, makikita mong siya’y simpleng tao; masayahin tulad ng marami sa atin na kahit sadlak sa problema’y nakatawa pa rin; may paniniwala sa Diyos na gaya ng marami sa ating kahit hindi halatang relihiyoso ay palihim na sumasamo ng pagpapalala at paghingi ng tawad; at tulad ng maraming kalalakihang Pinoy, medyo playboy ang dating!

Sayang nga lamang at ang kanyang tagumpay ay pilit sinakyan ng mga pulitiko: may mag-asawang nagpahayag ng wagas daw na pagmamahalan upang marinig ng buong mundo; may mga kapit-tukong hindi mapuknat sa pagkakadikit kay Manny sa buong maghapon ng kanyang pagdating; at may mga pilit na sumakay sa kanyang tagumpay, mapansin lamang ng madla.

Sa kabila nito, alam ng publiko kung sino at totoong nagbabahagi sa kanila ng kabiguan at tagumpay, at nagbibigay ng halimbawang maaaring maging inspirasyon upang sila’y makaahon ; at kilala rin naman ng masa kung sino ang nanggagamit at lalong nagpapahirap sa kanila. Itong huli, nais nilang patikimin ng mga nakatikom na kamao ng People Power!

Para sa mga Pilipino sa Internet
Sa ilang pagkakataon, naipakita na ng mga Pilipinong netizen, lalo na ng mga blogger, ang mabisang paggamit ng teknolohiya ng Internet upang maisulong ang ilang mga layunin:

- noong isagawa ng PLDT.com noong 2000 ang pinakaunang cyber-rally sa Pilipinas upang ipahayag ang pagkasuklam sa rehimeng Estrada;

- noong maitayo ang Blogger Power laban sa isang plagiarist na kung tawagin ay “Keiko”;

- noong makiisa ang mahigit dalawang daang kabataang Filipino netizen sa anti-war campaign ng Filipino Youth for Peace;

- noong maitayo at unti-unting lumawak ang Pinoyblog.com;

- nang maisagawa ang una at mga sumunod na iBlog summit;

- noong kumalat ang “Hello Garci” CDs at ring tones dahil sa PCIJ blog, TXTPower, at Indymedia;

- at kamakailan, nang matagumpay na maisagawa ang Pekeng Pangulo Googlebomb campaign.

Maaaring hindi tayong lahat ay nagkakaisa o sumasang-ayon sa layunin ng mga nasabing gawain at kampanya, tiyak na magkakasundo tayong ang mga iyan ay mahusay na pagsasalarawan ng kapangyarihan ng pagkakaisa sa Internet.

Sa cyberspace, may nakilala akong isang inang naniniwala sa kapangyarihang ito.

Si Sally Sultan, nanay ng dalawang taong gulang na batang si Muhammad Jamail “MJ” Sultan na may sakit sa atay, ay nananalig na may mga estrangherong makakaalam sa kalagayan ng kanyang anak at di-mag-aatubiling tumulong.

Kailangan ng batang sumailalim sa liver transplant na nagkakahalaga ng may tatlong milyong piso. Halos kalahati pa lamang ng halagang ito ang nalilikom ng kanyang mga magulang, kaya’t nagtayo ang kanyang mga magulang ng website upang manghingi ng donasyon para sa operasyon ni MJ. Ang website ay nasa http://jamailsultan.sanktuaryo.com.

Kanina’y kausap ko si Sally sa Yahoo Messenger. Gumawa kami ng Xoom payment buttons na ididikit nila sa website ni MJ para mapadali ang pagbibigay ng tulong sa bata.

Noong isang taon, nagsulat na ako sa ederic@cyberspace tungkol sa panawagan ng nanay ni MJ. Lumabas na rin sa INQ7, Viloria.com  at Piercing Pens ang kanilang kuwento.

Sa tingin ko, mas malaki ang maitutulong natin kung magsasama-sama ang mga Pilipinong bloggers na maiparating sa mundo ang panawagan ng mga magulang ni MJ. Umaasa si Sally, isang netizen, na di siya bibiguin ng mga kagaya nating palagiang tambay sa cyberspace.

Ano kaya ang puwede pa nating gawin para sa kanila?

Para kay Senador Raul Roco
Pumanaw noong Agosto 5 sa edad na 63 ang isang pinunong nagtiwala at tinitingala ng mga kabataan, si dating Senador Raul Roco.

Dating lider-estudyante, si Roco ay naging pinakabatang pangulo ng National Union of Students of the Philippines.  Bukod pa sa kanyang matalino at magiting na papel sa impeachment trial laban kay dating Pangulong Joseph Estrada, maaalala rin si Roco bilang senador na dalawang beses na tumayo para sa pambansang soberanya. Noong 1991, tinutulan niya ang pagpapanibago ng base militar ng Estados Unidos, at noong 1998, nilabanan niya ang Visiting Forces Agreement.

Kabilang sa mga pinakamalaking pamana niya sa kabataan ay ang paglilinis niya ng katiwalian sa Department of Education, at ang pagsusulong ng libreng edukasyon sa pamamagitan ng pag-alisl sa kung anu-anong kontribusyong sinisingil sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan. Siya rin ang nagsulat ng batas na naging  “Study Now, Pay Later” program, noong siya’y nasa staff ni dating Senador Benigno Aquino.

Dalawang beses tumakbo sa pagka-pangulo si Roco. Dalawang beses ding iba ang pinili ng mga Pilipino. Bagamat noong 2004, ang mga botanteng naniwala at umasa sa pagbabago–sa pagbangon ng bagong Pilipinas–ay nahati sa pagitan nina Roco at Bro. Eddie Villanueva, ang dalawang kampo ay magkasama sa patuloy na pagsusulong ng mga prinsipyo ng People Power 2: katotohan, katarungan, malinis at maayos na pamamahala.

Sa kabila ng kanyang karamdaman, patuloy na nakisangkot si Roco sa pambansang usapin. Nang pumutok ang kontrobersiya ng “Hello Garci,” tulad ni Villanueva ay sinabi niyang dapat nang bumaba sa puwesto si Gloria Macapagal-Arroyo. “Por la patria, resign now,” wika niya. “The problem is they cheated, yet they don’t want to resign. That’s the issue. That is shameful,” sabi pa ni Roco sa isang panayam ng Inquirer.

Bagamat dalawang ulit na ipinagkait sa kanya ang pagkakataong maangkin ang karangalang pagsilbihan ang bayan bilang Pangulo ng Republika, higit na magiging mahalaga ang kanyang mga pahina sa aklat ng ating kasaysayan kaysa sa ibang nakaupo sa trono ngunit binalasubas ang bayan.

Habang pinapanood ko ang 2004 campaign MTV ni Roco matapos kong mabalitaan ang kanyang pagpanaw, tumimo sa aking isipan ang mga linyang ito:

May isang salita at prinsipyo

Naiisip ko ang nakaupo ngayon sa posisyong ninais ni Roco, at nalulungkot ako. Hindi ko maintindihan kung bakit mas nangibabaw sa eleksyon ang isang taong iba ang sinasabi kaysa sa ginagawa. Nakapagtatakang mas nanaig ang isang pulitikong nag-ipon ng political debts kaysa sa isang lingkod–bayang hindi nangangambang hihina ang kanyang kampanya kahit ayaw niyang tumanggap ng kontribusyon sa mga tao at negosyong kanina-hinala ang intensyon. Pero kapag tumutunog sa cellphone ko ang “Hello Garci,” nauunawaan ko kung bakit nagkaganoon.

Huwag nating ipanakaw ang bukas.

Naiisip ko ang nakaupo ngayon sa posisyong ninais ni Roco, at nagagalit ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit maliwanag pa sa sikat ng araw na ninakaw ang boto ng bayan, nananatiling nakaupo ang umagaw sa ating karapatang pumili. Kahit tumunog muli ang “Hello, Garci,” nagtataka pa rin ako.

Naiisip kong sana, alang-alang sa alaala ni Roco, matuto tayong tumayo at bawiin ang karapatang inagaw sa atin. Paminsan-minsan lamang dumarating sa atin ang mga kagaya ni dating Senador Raul Roco. Kadalasan, hinahayaan lang natin silang mag-isang pagsumikapan ang isang bagong Pilipinas. Pero sa kanilang paglisan, inuulan natin sila ng parangal at papuri. Nawa’y hindi manatiling ganito ang katapusan ng kuwento ng mga totoo at makabayang lingkod ng bayan.

(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)