Ang Lalong Mahalaga sa Ating Panahon

(Kay Aquilino “Koko” Pimentel III, ang tunay na ika-12 senador ng halalan ng 2007)

Gusto ko sanang humiling ng aral sa iyo
hinggil sa kung paano ang digmaang
ang labanan ay isa sa sandaan,
ang kalaban mo ay buong daigdig.
Sapagkat nauna ka sa akin,
at ang landas ng buhay
ay maraming laang patibong
na mahirap takasan —
kabilang ang mga digmaang
wala kang kakampi,
o kung may kakampi ka man
ay siya ring kaaway mo pala.

Ngunit huwag na muna.
Sapagkat sa wari ko,
higit na mahalaga sa ating panahon
ang alamin

kung bakit tayo ngayo’y napaliligiran
ng mga matang di man lamang nagtitis
sa pagdaan ng nakangisi’t nandudurong katampalasanan —

na tila ba hindi nakasusulukasok
ang amoy ng bulok na bangkay,

na tila ba hindi nakababasag ng tainga
ang mga kantang wala ni titik, ni tugtog.

2 Comments

  1. pwede poh ba dagdag ng mas marami pang impormasyon tungkol d2

    and by the way nais ko pla magpasalamat tungkol sa inyong ginawa ty nga po at nakagwa aq ng project ko

    at sana gumawa pa poh kau pra mas lalong tangkilikin ng husto ang inyong mga ginawa

    ang ganda poh pala ung inyong article at tula

    i wish na sana pag butihin nyo poh ang ginagawa nyong mabuti pra sa ikabubuti poh ng lahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.