Si Ederic, 31, ay founding editor ng Tinig.com. Ipinanganak sa Batangas at lumaki sa Marinduque, nagtapos siya ng peryodismo sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman noong 1999. Search editor siya sa Yahoo! Philippines. Kasali siya sa TXTPower at Bloggers’ Kapihan, at mababasa rin sa Ederic.net at MakaPalm.

6 responses to “Ang Tipo Kong Pangulo”

  1. Anto

    Ederic, e sino pa ba ang tinutukoy mo na gusto mong maging presidente? =) Ang nagsasabing “kung walang corrupt, walang mahirap”? To a certain extent, totoo ito. Pero kung gagamitin itong slogan, e mali naman yata. Ang korapsyon lang ba ang sanhi ng paghihirap? E paano na ang mga naghaharing-uri na hindi binibigyan ng tapat na suweldo, kabuhayan at pangangailangan sa mga nagtratrabaho sa kanila? May korapsyon ba doon? E bakit mahirap pa rin ang mga magsasaka at ang milyon-milyong kababayan natin? Dahil ba sa korapsyon? O dahil sa sistema? Gusto nila (o natin) ng demokrasya. Naiintindihan ba nila (at natin) kung ano tunay na demokrasya? Tingnan mo ang partido ng gusto mong kandidato? Sa tingin mo ba ang gusto nila tunay na demokrasya o demokrasya na sila ang masusunod? Kung naniniwala sila sa demokrasya, bakit hindi nila nirerespeto ang pananaw ng ibang tao na hindi sang-ayon sa pananaw nila? Ederic, matagal na kitang kaibigan. Tinuturing kitang kapatid. Nirerespeto ko ang pananaw mo at ang karapatan mong sabihin ang nais mo. Sana nga lang ay hindi ka die-hard supporter ng gusto mong maging pangulo at sana makita mo rin ang mga kakulangan at kamalian ng mga sinusuportahan mo. Wala silang pinagkaiba sa ibang kandidato at partido. Hindi tunay na pagbabago at bagong pulitika ang sinusulong nila. Sila ang mga elite ng ating lipunan. At kung titingnan natin ang ating kasaysayan, kanino nagsilbi ang elite? Sa sarili nila. Mula noong panahon ng mga Kastila, ang pinoprotektahan ng elite ay ang kanilang personal na interes. Hindi ba ganun ‘yon? Sana’y hindi mo isipin na sinasabi ko ang mga ito dahil anak ako ng tatay ko. Eto ay aking personal na pananaw mula noon pa. Sobrang na-disappoint lang ako sa ibang mga tao ngayong eleksyong ito. Akala ko may pagbabago na, wala pa pala.

  2. toplatsi

    tama si Gloria at mga alipores niya, naumay na ang mga Pinoy sa People Power… mainam na nga iyon marahil… dahil sila-sila at tayo-tayong nagluklok sa kanila noong 2001 ang nagtitirahan, nag-onsehan, at nagbabatuhan ng putik ngayon

    tama na nga marahil ang tatlong people power dahil pila-balde nang ginagahasa ng mga pulitiko ang salitang ‘bayan,’ ‘demokrasya.’

    masusuka na ako kapag nangyari yan… ang nakita kong TOTOONG PEOPLE POWER ay yung 1 at 3… hindi ang dos.

    minsan ko nang inamin at uulitin ko yun– nagsisisi ako na mapabilang sa edsa dos… sa pag-aalsa umano ng mga makabayan, iyon pala, mga naghaharing-uri rin pala na ayaw lang maisahan

    bakit nga naman nila papayagan ang maging legal ang jueteng kung apektado ang bulsa mula sa mga opisyal ng barangay,pulisya, militar, hanggang sa gobernador,kamara, senado, at tanggapan sa malakanyang

    lagi na lang ang mahihirap ang kinakalusan kapag naghihirap ang bansa…wag tumaya sa jueteng, bumili na lang ng bigas? gasino naman ang P2-P10 pantaya nila sa libu-libong pisong winawaldas ng mga nasa middle-class at alta-sociedad sa mga bahay-aliwan, casino, at iba pa… walang sermon galing sa simbahan

    di na natuto ang mga pinoy, madaling mahimas ang puso…

    AYOKO kay Gibo…. dahil sa alyansa niya kay Gloria, sayang siya ganunpaman

    ayoko kay Erap… dahil madali siyang mauto ng gabinete nya pero gusto ko ang pananaw nya sa jueteng at giyera sa mindanao

    ayoko na rin kay Villar… andami nyang eskandalo, mala-Gloria na nagbibihis-Erap

    pero mas nasusuka ako kapag kay Noy…. akala ko ba, hindi nya ginagamit ang pangalan ng mga yumao nyang magulang, pero umpisa pa lang noong una nya at star-studded na campaign tv ad– kita na ang panlilinlang? ginagahasa na rin nya ang salitang people power.

  3. Oliver

    pwede rin bang makitipo sa tipo mong pangulo???

  4. ninay

    Maganda ang pagkakalahad mo Ederic. Wala talagang perpektong presidente at sa totoo lang kahit saang lipunan ngayon ang lider ay mas tinitingnan na kung makakapagbigay ng pagasa sa pamamagitan ng sarili at di ng gobyerno.Kung nakaasa ka sa gobyerno bumalik ka na lang sa dark ages dahil sa sobrang korapsyon. Ang paglilinis ng gobyerno ang isa sa napakahirap na gagawin kung sino man ang uupo. Mismong sa mga barangay ay laganap na ang sakit na ito.
    Me mga nagsasabi na ang pagsisilbihan nila ay ang kanilang uri pero mismong ang COMELEC ang nagbibigay ng panuntunan na ang mayayaman at naghaharing uri lang ang makakapasa. Kaya kung tutuusin wala naman talaga pagpipilian. Ang nagaastang mahirap ay di na mahirap. Kung ang bibgyan natin ng pagkiling ay ang stratehiya mas lalong lalayo ang pinaguusapan. Bakit nagagamit ang “people power”? kasi di ito nagamit ng mga taong naghahangad talaga ng tunay na people power o iba ang konsepto ng people power. Mahigit 90 million ang masang pilipino pero walang nagtitiyagang palakasin ang tunay na people power. Ilan lang ba ang kasama sa isang organisasyon, mapa kababaihan, kabataan, negosyante o kung ano pa man? Nagiging makipot ang ating mundo kasi di tayo makapagbuklod ng isang diwa.Ni wala tayong basis of unity maliban kay pacquiao.
    Me nabasa ako na isang article tungkol sa President Park ng Korea. Ang mga koreano nangibang bansa para tulungan ang kanilang bayan. Ang mga Hapon binigay lahat ng steel at alahas para mapanalo ang naunsiyaming world war II.
    Bakit natin mamaliitin ang naghahangad ng malinis na gobyerno? one step at a time ika-nga.
    Di naman nakatali ang pagbabago sa magiging presidente. Ang pagbabago ay mangyayari kung ang tingin natin ang gobyerno o presidente ay isa lamang instrumento at hindi end all. Pagtatalunan pa ba natin ang eleksyong to? Sa palagay ko hindi dapat.

  5. foobarph

    wala ngang perpektong presidente at kung susumahin, lahat may mga negatibong pag-uugali (sino ba ang perpekto?)

    para sa akin, ang tipo kong pangulo ay yung tipo rin ni ederic. liban dito ay tanging ang mananalo sa eleksyon ang tunay na makakapagsabi. ^^

  6. Titik ni Ederic » Ang tipo kong pangulo

    [...] (Unang nalathala sa Tinig.com) [...]

Leave a Reply