Dating patnugot ng pahinang pang-overseas Filipino worker (OFW) at internasyonal ng Pinoy Weekly si Noel Sales Barcelona.

Naging public information officer din siya ng pambansang sentro ng mga kawani ng gobyerno, ang Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o Courage.

Premyadong makata at kwentista, ginawaran siya Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ng pagkilala bilang “Makatang Mag-aaral ng Taon” noong 2002 na siya pa rin, magpahanggang ngayon, ang may hawak.

Noong taon ding iyon, nakamit niya ang Ikalawang Gantimpala sa Patimpalak Panulaan ng Pandayan ng mga Literaturang Pilipino, Inc. (Pandaylipi, Ink.), sa okasyon ng ika-25 anibesaryo nito.

Naging isa siya sa mga pinalad na maging finalist sa Kabuwanan Poetry Competition nitong Abril, 2008; at noong Hulyo 29, binasa sa buong mundo, sa pamamagitan ng Internet, ang kanyang kuwentong nalathala rito sa Tinig.com, ang Bote, Dyaryo, Bakal at ginawaran siya ng Certificate of Literary Achievement ng mga Pilipino-Australiyano sa Brisbane, Australia.

Isa ring propesyunal na tagapaturo ng pamahayagan (journalism) at panitikan, naging panauhin siyang tagapagsalita sa iba’t ibang paaralan at kolehiyo rito sa Maynila at sa karatig lalawigan ng Rizal.

Nagsusulat din siya sa investigative news magazine na Bulatlat.com, PINAS (The Filipino’s Global Newspaper) na may sirkulasyon sa 19 na bansa sa Asya, Europa at America Norte, at naging kolumnista sa ngayon ay sarado nang Punto!, isang tabloid sa Filipino.

6 responses to “Tasa ng Kape”

  1. foo

    Manhid na ang isip ko sa pag-aalala.
    - gustong-gusto ko ang linyang ito! nakakadagdag inspirasyon para makapagsulat pa kahit pagod.

    nasaan na kaya ang lalakeng iyon? hahay… kakalungkot naman.

  2. Tasa ng Kape « Sigliwa

    [...] Maliligo ako. Kailangan kong lumabas. Baka makita ko siyang muli sa Avenida, kung saan niya ako nakilala nang husto. At kung hindi ko siya makita, baka bukas! Baka bukas, makita ko na siya. Kung hindi? Paano kung hindi? Ipinilig ko ang ulo ko. Inalis ang kung anong agiw. Sa puso ko, nararamdaman ko ang kabog. Pero hindi ko iniisip na may masamang nangyari sa kanya. Inisip ko na lamang, dulot ng ininom kong kape kanina ang kabog na nararamdaman ko sa dibdib ko. (Nalathala sa Trinity Observer at Tinig.com) [...]

  3. Gino Justin Go

    ano po ang buod nito ? at saan ang pinangyarihan? sino po ang mga tauhan dito ? anung ang tema nito ? at ano ang aral na makukuha dito ?

    thank you po =D

  4. niela

    maganda ang pagkakasulat ng kwento ngunit ano ang nangyari? parang napakabitin naman po yta… :cry:

  5. khrylane

    ang ganda ng katha..mtagal ko nang gustong mkasulat din..pinapagawa nga kamu ng nobela..nahihirapan ako..pero alam ko sa pamamagitan ng pagbabasa ko nito..matututo rin ako..salamat

  6. eloise nicole caballero

    eh kung buhusan q puh kya kyo ng kpe noh tgnan ntn kng maintndhan muh ung kwntu muh ah!!!!!!!!! anoh!!!!!!!!!!!!!!

    jowk lng kw amn d mbru

    pro totoo yun

Leave a Reply