ng mumunting tulong…
“Ne’ baka naman e maitawid mo ‘ko? Patulong lang.
Hirap lang kase akong lumakad…”
ngunit
sa paos niyang boses
na garalgalin at may bahid-hiya siya…
siya’y hindi lamang napagdamutan
at ilan pang nilalang
ang sa kanya’y umiwas
Maliit.
Mabaho.
Maitim.
Matanda.
Ginagalis.
walang nagtangka…
sa aba niyang kalagayan anong naghihintay?
Ilan pa kayang tulad niya
ang napagkaitan?
Announcement
Magkahiwalay na ang login details sa main site at sa Forums. Kung ayaw gumana ang iyong password, gamitin ang Lost Password Form o mag-email sa ederic@tinig.com. Salamat!
Login
Related Posts
No related posts.

