5 responses to “Mensahe ng Isang Labintatlong Taong Gulang na Bata”

  1. henry lorn maerylle

    tignan nga ninyo! isang labingtatlong taong gulang naiinis dahil sa kalokohan ng ating gobyerno….HOY gloria gumising ka!

  2. shaira

    hindi lang naman gobyerno ang pinangalanan nitong mapag-isip na nagsulat nito. Sumasang-ayon ako nang husto sa sinabi niyang hindi nakakatuwang parati na lang mga pilipinong naninirahan sa ibang bansa ang siyang umaasenso sa mga napili nilang mga larangan. Nararapat kasi sa mga Pilipinong maging mas makabayan at mas ipagmayabang kung ano mang kagalingan ang nakikita sa Pilipinas mismo. Isa rin kasi talaga sa kinaiinisan kong ugali ng mga pilipino ay ang pagkakaroon ng mataas na pagtingin sa ibang bansa at sa gawaing iyon, naibababa ang tingin sa sarili natin. may mga maipagmamalaki rin kaya tayo! at isa pa rin na hindi magandang ugali sa nakararami sa atin ay ang pagsisisi na lang lagi sa gobyerno dahil sa kahirapang dinaranas natin. sabihin na nating si gloria nga ang pangulo natin at siyang may kapangyarihan, hindi naman ibig sabihin noon na siya na ang may kasalanan kung bakit si Juan diyan sa may kanto ay naghihirap diba? Grabe rin kasi tayong mga Pilipinong makaturo sa mga opisyales ng gobyerno. Totoo,karamihan sa kanila nangungurakot pero may magagawa ba ang tahasan nating pagpapakita ng galit sa lahat sa kanila na hindi rin naman natin sigurado kung may nagagawang masama.

    Sa akin lang, ginagawa rin naman siguro ng mga opisyales natin ang makakaya nila upang matulungan ang bansa natin kaya dapat rin naman na suportahan natin sila. Lalong-lalo na rin ang pangulo natin, malaki na ang naging pasan niya simula nang naupo siya, at dahil tao rin lang naman siya hindi naman natin maaasahang bawat hakbang niya ay tiyak na makakatungo sa ikauunlad ng bayan natin, ang masasabi ko lang ay ginagawa niya ang makakaya niya. Dapat tayo ring mga Pilipino, dapat gawin natin ang makakaya natin sa sarili nating pamamaraan at ang panunuro ng ibang tao ay hindi makakatulong doon. Salamat po.

  3. madeson

    talaga bang labintatlong taong gulang ang gumawa nito?/

  4. kla

    whoa

  5. sharmaine yabut

    wow.. galing naman ng batang to!

Leave a Reply