5 responses to “Last Warning ng CBCP kay Arroyo”

  1. John Tabat

    ikaw ata kaibigan ang nagsabi ng last warning hindi naman ang cbcp..dinadamay mo ang matinong simbahan sa iyong ideya na maaring hindi pa lubos na alam ang buong katotohan..let us stop being bias ang too judgemental…warning: ” huwag tayong pumuna (palagi at sobra) sa ibang tao na ang sarili nga natin hindi natin mapilit na mabago “.

  2. Alex

    Hi John!

    Ako nga ang nagsabi. Ayan nga at nakasulat naman ang pangalan ko. Kung babasahin mo ang buong artikulo, mauunawaan mo na ang laman nito ay pawang analisis ko. Hindi ko sinabing sinabi ito ng lantaran ng CBCP. Ganunpaman, pinapanindigan ko ang kongklusyon ko rito dahil mas alam ko ang usaping nasa likod nito, partikular na ang thrust ng simbahan sa “renewed church”, kumpara sa iyo.

    Kung ikaw ay Katoliko (i will assume na Katoliko ka nga), maiintindihan mo dapat kung ano ang tunay na tinutukoy ni Abp Lagdameo sa panawagan niya na pagbubuo ng “circles of discernment”. Pero kung hindi mo maintindihan eh, wag kang mag-alala, tiyak na nagkulang lang ang inyong pari sa inyong parokya dahil hindi ipinaliwanag sa inyo ang tungkol sa Basic Ecclessial Community (BEC) o ang pinakamaliit na simbahang nakabase sa komunidad. Ngayon, kung hindi mo ito alam, malamang ay hindi mo rin alam ang nilalaman ng Social Doctrine of the Church.

    Ngayon kung hindi mo rin talaga ito alam, aba eh malamang na hindi mo matanggap pag sinabi kong talamak na rin ang korapsyon sa simbahan. :) Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ikinakampanya na ng mga matitinong personalidad ng simbahan ang BEC at SDC. Sa pamamagitan kasi nito, makakatulong nila ang laity (o baka pati ito di mo alam) sa paglinis sa simbahan at pagtanggal sa tunguhin ng ilang personalidad ng simbahan na maging elitista, maging korap at maging purong liturhikal na pastor ng komunidad ng mga Kristyano.

    Ngayon, irerekomenda ko rin sa iyong basahin ang Acts and Decrees ng PCP2 para magkaroon ka ng kahit katiting na ideya.

    Ikaw dyan ang putak ng putak nang hindi alam ang sinasabi.

  3. ben sirko

    ang alam ko.. puro lang sila satsat’ ang dami nang nangyareng milagro na kagagawan nang US AROYO at nasan sila? na roroon nag iipon nang barya, di sila naiiba sa mga pulitikong kulang sa pansin, di pa man sila nagsasalita, noon pa dinidilig na nang dugo nang masang aktibista ang lansangan maipaabot lang sa karamihan ang mga hinaing nito.. puro kayo satsat”

  4. Alex

    hmm..

    tulad ng iba pang bagay at buhay, sakop din naman ang simbahan ng batas ng kontradiksyon. lagi nang may nagbabanggaang pwersa sa loob ng isang buhay,

    at kung babasahing mabuti ang kalagayan ng simbahan, matabang lupa din naman ito para sa pagpapataas ng antas ng kamulatang pampulitika ng mamamayan at kasabay ang paghulma ng wastong moralidad nito. Di nga ba’t si arroyo ay isa ring katoliko? o e di pwedeng umpisahan sa pagbatikos sa sinumang pari o obispo na nagbibigay pa ng misa para sa kanya. Ituturo lang sa obispo na tinapak-tapakan na ni arroyo ang ten commandments eh, ano pa ba ang wastogn maisasagot nila?

    pinagpupugayan ng mga progresibo sa simbahan ang mga bayaning masang nag-alay ng buhay. sila, ay katulad ni kristo na hindi nag-alangang magpapako sa mismong krus na pinapasan nila mula pa nung sila’y isilang sa mundong ito.

    pero sana’y maintindihan din ninyo na hindi nagpapaiwan ang mga proresibo sa simbahan.

    nakakalungkot nga lang na tulad sa kongreso, numbers game din ang kairalan sa loob ng hanay ng mga obispo, at talamak na rin ang korapsyon sa simbahan.

    at kung dugo lang ang pag-uusapan, marami na ring taong-simbahan ang nagdilig ng sarili nilang dugo para sa kanilang paninindigan, at para sa bayan.

    ilantad ang mga nagkukunwaring pari at obispo. ilantad ang mga kurakot na pari at obispo. at isabay ang mga pangalan nila kay arroyo. yan ang misa sa dapat nating pagtuunan ng pansin ngayon.

  5. Alex

    ilantad ang mga nagkukunwaring pari at obispo. ilantad ang mga kurakot na pari at obispo. at isabay ang mga pangalan nila kay arroyo. yan ang isa sa dapat nating pagtuunan ng pansin ngayon.

Leave a Reply