Isang e-zine para sa mga kabataang Pilipino ang Tinig.com. Naglalathala ito ng mga personal na sanaysay, tula, dula, maikling kuwento, balita at lathalain, komentaryo tungkol sa pambansang usapin, at iba pang akda ng mga kabataang Pilipino.

One response to “Simbahang Lingkod ng Bayan Reiterates Support for the Sumilao Farmers”

  1. TALIBA

    Kami po ay buong-buong nakikiisa sa mga magsasaka ng Sumilao (Tribu Higaonon), Bukidnon.

    Ngunit, sa aming pananaw, ang usapin tungkol sa mga magsasaka ng Sumilao at nakatale sa usapin ng lupaing-ninuno ng Tribu Higaonon. Kayat hindi po namin maintindihan kung bakit ito’y pinaglalabanan batay sa batas agraryo (CARP Law). Sapagkat batay sa naturang batas, ang mga farmer beneficiaries (FBs) ay kailangan rin bayaran ang lupain ipapamudmod ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa kanila. Taliwas ito sa makatarungang pagaaari ng Tribu Higaonon (kung saan nagmula ang mga magsasaka ng Sumilao) sa lupain ito na bahagi ng lupaing-ninuno ng Tribu.

    Ang Taliba ay naniniwalang ang karapatan ng Tribu Higaonon sa kanilang lupaing-ninuno ay hindi kailanman nawala, sapagkat hindi sila umalis sa lupain ito at patuloy na ipinaglaban ang kanilang karapatan sa batas. Ang mga titulo o anumang dokumento na nagtatala sa mga lupaing ito bilang pagaari ng iba ay pawang mga piraso ng papeles na nagbibigay lamang ng “ulap ng pagdududa” (cloud of doubt) at maaaring isawata sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaukulang usapin sa hukuman.

    Ang usaping ito ay hindi lamang usapin ng mga magsasaka mula sa Tribu Higaonon, kundi usapin ukol sa pagaaari ng lupaing-ninuno ng mga tribu sa buong bansa.

    Ipaglaban ang makatarungan pagaari ng mga tribu sa mga lupaing-ninuno! Ipaglaban ang karapatan ng Lahing Kayumanggi!

Leave a Reply