Si Rey Tamayo, Jr. ay isinilang sa maliit na bayan ng Jaro, Leyte. Siya’y naging editorial assistant ng diaryong Tambuli at Magandang Balita Newspaper na lingguhang lumalabas sa mga piling lugar sa Manila. Sa South Eastern College niya sinubukang kumuha ng kursong Bachelor of Arts. Ang ilan sa kanyang mga akda ay nailathala sa Liwayway, Bulatlat, Liyab at Philippine Graphic. Siya ay miyembro ng KAMAKATAHAN Poets, National Union of Journalist of the Philippines at naging fellow ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo 2006.

One response to “Ang Papel ng Media sa Estado”

  1. TALIBA

    Sa isang tunay na malayang bansa, ang pagkakaroon ng isang malaya at responsableng mamamahayag o organisasyon ng pagpapahayag (media) ay lubhang mahalaga. Ang pagsikil sa karapatan ng media ay pagsikil sa karapatan ng mga mamamayan malaman ang mga bagay-bagay (right to information) na umaapekto sa kanikanilang buhay.

    Ang media ay tulay para sa isang matiwasay na unawaan ng mga mamamayan at ng pamahalaan. Sino man sisikil sa karapatan ng media ay mga taong buktot na ayaw ng katiwasayan at tunay na kapayapaan sa bansa.

    Ipaglaban ang karapatan ng malayang pagpapahayag!

Leave a Reply