By Rey Tamayo, Jr. on 11/17/2007
Minsan ako’y sinuntok,
Panulat ko’y tinakot.
Nang ako ay sumagot,
Ang baril ay pumutok.
Posted in Tula | Tagged bala, kalayaan, kalayaan sa pamamahayag, mamamahayag, manunulat, tinta |
Si Rey Tamayo, Jr. ay isinilang sa maliit na bayan ng Jaro, Leyte. Siya’y naging editorial assistant ng diaryong Tambuli at Magandang Balita Newspaper na lingguhang lumalabas sa mga piling lugar sa Manila. Sa South Eastern College niya sinubukang kumuha ng kursong Bachelor of Arts. Ang ilan sa kanyang mga akda ay nailathala sa Liwayway, Bulatlat, Liyab at Philippine Graphic. Siya ay miyembro ng KAMAKATAHAN Poets, National Union of Journalist of the Philippines at naging fellow ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo 2006.