Browse: Home / Tula / ako. ang buhok. ang protesta.
By Lolito Go on 11/2/2007
tatlong talampakang. Protesta.
sangyutang hibla. ng Karanasan.
makintab. na Patalastas. ng Katuwiran.
basahin. ang lipunan. nagkalat.
ang mga tuldok. sa maling Lansangan.
Buhok. hindi Baril. ang aking tangan.
Posted in Tula |

Si Lolito Go ay isang professional bum at ordained Dudeist Priest sa Olongapo City. Siya ay kasapi ng KM64 Poetry Collective, isang aktibo at progresibong samahan ng mga kabataang makata na may layuning pagsilbihan ang bayan sa pamamagitan ng sining. Naging bahagi siya ng Ika-Apat na Palihang Rogelio Sikat ng UP Diliman. Ang kanyang mga tula ay nailathala na sa iba’t ibang online at print publication tulad ng High Chair, Philippines Free Press, Sunday Inquirer Magazine, Bulatlat, Electronic Monsoon Magazine at iba pa. Ang koleksyon ng kanyang mga tulang “Suriyal” ay lumabas sa antolohiyang Ipu-ipo sa Piging at ang “Loser at Iba Pang Tula” naman ay isa sa mga napiling lahok para sa 5th UP Likhaan Journal.
…magandang araw. nakita ko sa iyong tula ang kapangyarihan ng tuldok!!! pinalipad mo ang isipan ko sa mga lansangan at balisbisang niyapakan sa ngalan ng protesta at pakikibaka. mga lansangang dapat sana’y malayang binabaybay patungo sa luklukan ng kapangyarihan…
hindi nga ganoon ang lipunan sa ngayon, nakikita ko rin at nababasa ang lipunan kung paano mo ito nakikita…nagkalat ang mga tuldok sa maling lugar at lansangan. Bawa’t kanto ay may nakaharang na militar…pilit tinutuldukan ang malayang daloy ng kalayaan….pasasaan ba at darating din ang panahon na tayo naman ang gagamit sa huling tuldok sa tamang lugar at paraan- ang tuldok na iyon ay ilalagay natin mismo sa Malakanyang. . . hudyat na tinatapos na natin ang paghahari ng iilan.
Maganda ang tunay na uri ng ugat na pinaghuhugutan ng iyong mga malalalim na mga paniniwala na kumakalikaw sa iyong dalawang mala-agilang mga mata— na nagtutulak sa iyong walang tigil at nag-aalab at malikot na mga kamay ng tinta— nang umuusok at umuurirat at umaalulong na mga panulat! Mabuhay ka kaibigan! Ipagpatuloy ang Laban ng Pag-ibig at Pagmamahal sa Kapuwa! –penpen http://exposureroom.com/members/PenPenPoems.aspx/assets/3470a808beeb4ee79ae2136e208af598/