Babalik ka rin

“Saan ka man naroroon ngayon
Saudi, Japan o Hongkong,
Babalik ka rin,Babalik ka rin,
Babalik ka rin.”

Kaysarap pakinggan ng awiting ito,
Awitin na handog sa OFW,
Gano man kalayo, bansang narating mo,
Di malilimutang ika’y Filipino.
Babalik ka rin sa bayan mong mahal,
Sa bayan mong liyag na ‘yong sinilangan,
Saan man naroon di malilimutan,
Na ika’y bumalik sa mahal na bayan.
Babalik ka rin sa bayan mong sinta,
Pagkat naroroon tunay mong ligaya,
Babalik ka rin sa ‘yong pamilya,
Pagkat ang ‘yong yaman, sila lang talaga.
Babalik ka rin, babalik ka rin,
Iyan sa tuwina ang laging isipin.
Ikaw ma’y nawalay sa bayan mong giliw,
Sa tamang panahon ika’y babalik din.

Si Michael ay isang OFW sa South Korea. Kasalukuyan siyang head servant ng Baran Emmaus Filipino Community at regular na contributor sa mga newsletter sa Korea. Nagwagi siya ng unang gantimpala sa 2008 Sulyapinoy poem writing contest at nominado sa Gawad San Lorenzo Award 2007. Dati siyang kasapi ng Samahang Makata Taiwan.

2 responses to “Babalik ka rin”

  1. valery

    hey wats up?

  2. sheena

    …babalik at babalik parin!

Leave a Reply