Bagong Bayani?

Tayo raw mga Pinoy rito sa ibang bayan,
Tunay na dakila, tunay na uliran,
Mga Bagong Bayani sa ‘ti’y katawagan,
Bayaning pasakit, luha ang puhunan.

Kung Bagong Bayani tayong naturingan?
Bakit hindi natin ito maramdaman?
Kung ika’y uuwi sa mahal na bayan,
Ba’t sobrang hihigpit, tao sa paliparan?

May bayani nga bang di iginagalang?
Di dinadakila’t pinararangalan?
Sa loob ng “NAIA”, animo tulisan,
Bago makalabas, tunay na kaytagal.

Mahaba ang pila, marami pang tanong,
Ang iyong bagahe pilit kinuk’westyon,
Nakapagatataka, bakit nagkagano’n?
Ito ba ang dapat sa ‘ti’y isalubong?

Bakit kapag ibang lahi ang dumating,
Lalo pa at sikat, lahat napa-praning,
Silang aalayan, espesyal na tingin,
Mga Bagong Bayani, hindi pinapansin.
Di ba nila batid mga paghihirap?
Lahat ng pasakit na ating dinanas,
Mga Bagong Bayani sa ibayong dagat,
Luha at pighati ang laging kayakap.

Si Michael ay isang OFW sa South Korea. Kasalukuyan siyang head servant ng Baran Emmaus Filipino Community at regular na contributor sa mga newsletter sa Korea. Nagwagi siya ng unang gantimpala sa 2008 Sulyapinoy poem writing contest at nominado sa Gawad San Lorenzo Award 2007. Dati siyang kasapi ng Samahang Makata Taiwan.

9 responses to “Bagong Bayani?”

  1. tuti

    grabe…galing…sobrang totoo…

  2. Donald

    Tama po, pero kelangan lang talagang sumunod tayo sa kanilang batas. Kaya nga bayani eh. Bayani po tayo sa sariling bansa natin, bayani po kayo. Kaya dapat maging masikap ang bawat Pilipino para na rin sa sarili niyang kapakanan.

  3. maybel hajula

    tanong ko lang po kung sino si michael balba kz kelangan po kz yun para sa may akda ng tula sa PROJ namin sa Filipino. Sana po maanser nyo po tanong ko. tula niyo po kz ang napili ko. SALAMAT… aantayin ko po ang sagot nyo kahit dito nyo nalang po ipost…

  4. Maybel hajula

    ang ganda nya… Pwedeng PangHOLLYWOOD… Hekhekhek

  5. ROMAN ng TONDO

    ()
    [ ]
    Dl l l l l l l lB
    _ _
    _ _
    _ _

    ganada diba?
    friendster ko pala paki publish
    roman-123@yahoo.com

    ,

  6. Anne

    Diba dapat lamang naman na maging mahigpit ang NAIA lalo na kung proteksyon na ang pinaguusapan.Maganda po ang tulang ginawa niyo. At kung hindi man po tayo binabigyan ng magandang atensyon Panginoon na po ang bahala sa kanila.Ryt??//?

  7. Decipher

    tama

  8. lupangtala

    Kailangan talaga ang maghigpit
    sa NAIA mamaya terorista na yong
    pumapasok ng
    bansa natin.
    Pero tama ka rin
    naman sa huling saknong mo
    na pag sikat yung dumadating
    o may pera e wala ng
    tanong tanong
    wala ng inspeksiyon
    inspeksyon.

Leave a Reply