Dating patnugot ng pahinang pang-overseas Filipino worker (OFW) at internasyonal ng Pinoy Weekly si Noel Sales Barcelona.

Naging public information officer din siya ng pambansang sentro ng mga kawani ng gobyerno, ang Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o Courage.

Premyadong makata at kwentista, ginawaran siya Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ng pagkilala bilang “Makatang Mag-aaral ng Taon” noong 2002 na siya pa rin, magpahanggang ngayon, ang may hawak.

Noong taon ding iyon, nakamit niya ang Ikalawang Gantimpala sa Patimpalak Panulaan ng Pandayan ng mga Literaturang Pilipino, Inc. (Pandaylipi, Ink.), sa okasyon ng ika-25 anibesaryo nito.

Naging isa siya sa mga pinalad na maging finalist sa Kabuwanan Poetry Competition nitong Abril, 2008; at noong Hulyo 29, binasa sa buong mundo, sa pamamagitan ng Internet, ang kanyang kuwentong nalathala rito sa Tinig.com, ang Bote, Dyaryo, Bakal at ginawaran siya ng Certificate of Literary Achievement ng mga Pilipino-Australiyano sa Brisbane, Australia.

Isa ring propesyunal na tagapaturo ng pamahayagan (journalism) at panitikan, naging panauhin siyang tagapagsalita sa iba’t ibang paaralan at kolehiyo rito sa Maynila at sa karatig lalawigan ng Rizal.

Nagsusulat din siya sa investigative news magazine na Bulatlat.com, PINAS (The Filipino’s Global Newspaper) na may sirkulasyon sa 19 na bansa sa Asya, Europa at America Norte, at naging kolumnista sa ngayon ay sarado nang Punto!, isang tabloid sa Filipino.

55 responses to “Sampagita”

  1. sydney white

    GREAT!!!isa na naman to sa mga the best n kwentong nabasa ko sa site na to…

    para sa mga di nakaintindi,mahina ang sense of humor nyo o di kaya, di kayo marunong makaappreciate ng mga nilalaman ng kwento…

    pero maganda talaga….

    :)

  2. marissa quizon

    intindihin nio po…. wg mging green minded, kasi kwwa nman po ang mga dalagitang gumgwa ng mga bgay o tintwg n ring ‘trabho’ na ito…
    let us pray for them…

  3. marissa quizon

    intindihin niyo po…. wag maging green minded, kasi kawawa naman po ang mga dalagitang gumagawa ng mga bagay o tinatawg na ring ‘trabaho’ na ito…
    let us pray for them…

  4. Radcliff

    pagamit po ng iyong magandang gawa sir

  5. ian

    kuya noel anong klaseng maikling kwento itong sampagita…
    ito ba ay:
    kwentong pangkatauhan
    kwentong makabanghay
    kwentong pangkatutubong-kulay
    kwentong pangkaisipan

Leave a Reply